Madeline Alcaraz po, ang inyong lingkod. Umuwi po ako dito sa Pinas, noong August 14. birthday yun ng asawa ko ...malungkot kasi naospital si bunso, Joshua, ning July 29...pero inilabas din sya nitong August 20...babalik din ako sa Canada at iiwanan muli ang mga mahal ko sa buhay, sa darating na September 12. Ayoko na sana silang iwanan, pero kailangang tatagan ang loob, para sa amin din un.
Ansakit nga ng loob ko kc wala pang desisyon ang Canadian Government kung ano lagay ng papel ko. Kahit mahabang pangungulila uli, kahit makita nyo ko sa Smule na nagkakakanta. Hindi nun matatakpan ang hirap ng loob ko pag nangungulila ako.
Kailangang maging matatag ako. Dyan kilala ang Pinoy, malakas ang loob at matatag sa kahit anong pagsubok...